"Pitong bagay sa buhay na natutunan ko sa Unibersidad ng Pilipinas"
"Meron lang akong dagdag na pabaon sa inyo para lalong di nyo malimutan, ang UP nating mahal. Ito ang pitong mga bagay-bagay tungkol sa buhay na natutunan ko saU.P.:
1. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan.
2. U.P. lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasa sa iyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.
3. Sa IKOT, puede kang magkamali ng baba kahit ilang beses, sasakay ka lang uli. Sa buhay, kapag paikot-ikot ka na at laging mali pa rin ang iyong baba, naku, may sayad ka.
4. Sa U.P., lahat tayo magaling. Aminin nating lahat na tayo'y magagaling. Ang problema dun, lahat tayo magaling!
5. Kung sa U.P. ay sipsip ka na,
6. Sa U.P., tulad sa buhay, ang babae at ang lalake, at lahat ng nasa gitna, ay patas, walang pinagkaiba sa dunong, sa talino, sa pagmamalasakit, sa kalawakan ng isipan, sa pag-iibigan; at kahit na rin sa kabaliwan, sa kalokohan at sa katarantaduhan.
At ang panghuli:
7. Sa U.P. tulad sa buhay, bawal ang overstaying."
0 Comments:
Post a Comment
<< Home