iN My SeArCh FoR HaPPiNeSS...

"We do not realize that LOVE is just a further impetus,
not something that will prevent us going forward.
We do not realize that those who genuinely wish us well
want us to be HAPPY and are prepared
to accompany us on that JOURNEY."
- from "The Alchemist"
by Paulo Coelho

Saturday, November 05, 2005

SoBrAnG sEnTiNg TxT MeSSaGeS

  • Di madaling maghintay... di rin biro ang magmahal. Minsan akala mo "s'ya na"... minsan akala mo "ok na"... pero mamamalayan mo na lang... dumaan lang pala s'ya sa buhay mo para saktan ka.
  • Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sa'yo.
  • Sabi nila mahirap magmahal. Marami daw pagsisikap at maraming pagdaraanan. Sabi ko, ano mahirap dun? Kung sa kagaya mo kahit gaano kahirap kakayanin ko... mahal kita eh!
  • Masakit daw umibig. Palagi ka raw iiyak. Palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala. Sabi ko naman, ganun lang yun talaga dahil kung di ka masasaktan di mo malalamang nagmamahal ka na pala.
  • Sa pag-ibig kahit na masaktan ka o lumuha pa, ang mahalaga marunong kang magmahal ng tapat at di ka takot na masaktan... dahil ang tapat magmahal ay may katapat na tunay na pagmamahal.
  • Sinabi ko sa sarili ko na lilimutin na kita... pinilit ko... masakit pero ginawa ko... mahirap. Ano gagawin ko? Tumakbo? Magtago? Saan? Maliit lang ang mundo ko... umiikot lang sa'yo.
  • Ang sakit isiping mahal kita pero mahal mo s'ya. Mas nasasaktan ako pag nalalaman ko na malungkot ka at wala akong magawa kundi sabihing "kung akin ka lang di kita gaganyanin."
  • Paano kung sobrang inlove ka sa isang tao, tapos isang araw bumalik yung una mong minahal. Sino pipiliin mo? Yung dati na gusto mong balikan o yung ngayon na ayaw mong saktan?
  • Minsan gusto nitong sabihin na masaya tayo... pero anumang pilit nating maging masaya, hahanapin pa rin natin ang isang bagay na nagpapasaya sa atin. Ewan ko, kung ano sa'yo? Sa akin kasi "ikaw sana..."
  • Ang hirap mahalin ng taong may mahal na iba... lalo na kung friend mo yung mahal nya. Patukso-tukso ka pa... kunwari kinikilig ka sa kanila... pero sa totoo lang... nasasaktan ka na.
  • May mga taong minsan lang daraan sa buhay natin. Minsan makikilala, makakasama, mamahalin, pero kadalasan pala yung minsan na yun... habang buhay na sa alaala natin.
  • Sabi nila, masakit pag di ka nakikita ng taong mahal mo kasi may iba s'yang tinitingnan... pero di mas masakit kung wala na s'yang tinitingnan pero di ka pa rin n'ya makita?
  • Finding someone like you was hard... but you know what? It was worth it. So, in case I lose you one of these days, I'd willingly go through all the trouble again just to find you.
  • Minsan akala mo kaibigan mo lang s'ya. Minsan akala mo andyan s'ya bilang tagapayo lang. Minsan akala mo wala lang s'ya... pero naisip mo rin ba kahit minsan na mahal ka pala niya?
  • Isang araw nakita mo na magkahawak ang kamay at kayakap ko s'ya. Akala mo tinalikuran kita at pinagpalit sa kanya. Ang hindi mo alam... pag talikod mo umiiyak siya kasi... nagpaalam ako at pinili ka.
  • I thought it was over, that I finally let you go. I even found someone else to love and I loved him even more. But it breaks me to see that although I tried my best... God, as much as I love the other one, I never loved you less.
  • Remember nang mag-wish ka sa falling star? Sabi mo, sana may lubos na magmahal sa'yo. Isang araw na lang sinabi mo, di ka na naniniwala sa falling star. Kung alam mo lang, mahal na kita ng lubos bago kapa nag-wish.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home